Logo image of pathway to graduation
Tagapagpahiwatig 8:
Pagsisiyasat sa Pakikilahok ng Magulang - Espesyal na Edukasyon
Taon ng Paaralan 2024-25

Lubos na Mahalaga sa Amin Ang Iyong Opinyon!
Upang matugunan ang mga kinakailangan ng Disabilities Education Improvement Act ng 2004 (IDEA) [Batas ng 2004 ng Mga Indibidwal na may mga Kapansanan sa Pagpapaunlad ng Edukasyon], ang Departamento ng Edukasyon ng Estado ng Hawaii (Departamento) ay kinakailangang mag-ulat taun-taon sa Departamento ng Edukasyon ng U.S., Office of Special Education Programs (OSEP) [Opisina ng Mga Programa sa Espesyal na Edukasyon], ang "porsyento ng mga magulang na may anak na tumatanggap ng mga serbisyo sa espesyal na edukasyon na nag-uulat na pinadali ng mga paaralan ang paglahok ng magulang bilang isang paraan ng pagpapabuti ng mga serbisyo at mga resulta para sa mga batang may mga kapansanan” na nakatala sa mga pampublikong paaralan ng Hawaii (20 U.S.C. 1416(a)(3)(A)).

Noong 2023-2024, ang Departamento, sa pakikipagtulungan ng mga kasosyo sa antas ng komunidad, estado, distrito, at paaralan ay bumuo ng isang bagong pagsisiyasat upang isulong ang pagtaas ng paglalahok, katugunan, at pakikipag-ugnayan ng magulang. Ang bagong pagsisiyasat ay binubuo ng 11 na mga bagay sa palakaibigang pampamilyang wika.

Pinahahalagahan ng Departamento ang iyong pakikilahok sa mga pagpupulong ng Individualized Education Program (IEP) [Indibidwal na Programa sa Edukasyon] at iba pang mga aktibidad/mga kaganapan na nauugnay sa edukasyon ng iyong anak at gustong marinig ang tungkol sa iyong karanasan sa mga pagsisikap ng iyong paaralan na makipagsosyo sa iyo. Ang iyong pakikilahok sa pagsisiyasat na ito ay makakatulong sa Departamento upang mapabuti ang pakikilahok ng magulang sa proseso ng espesyal na edukasyon at mapabuti ang mga resulta para sa ating mga mag-aaral na may mga kapansanan at kanilang pamilya.

Para sa mga tanong kung paano kumpletuhin ang pagsisiyasat, mangyaring makipag-ugnay kay Patricia Dong sa pamamagitan ng email sa macb@k12.hi.us o sa pamamgitan ng telepono sa (808) 307-3600.

Upang ma-access ang Handout ng Survey sa Paglahok ng Magulang na may mga Madalas Itanong, mangyaring mag-click dito.

-English: If you prefer to complete the survey in English, please click here.
-Hawaiian: Ke makemake ‘oe e ho‘opihapiha ma ka ‘ōlelo Hawai‘i, e kaomi ma ‘ane‘i.
-Marshallese: Ñe kwōkōnaan kadedelok waanjoñok eo ilo Kajin Majol, jouj im jibed ijin.
-Spanish: Si prefiere completar la encuesta en español, haga clic aquí.

Para sa iba pang mga Pagsasalin ng Survey sa Pakikilahok ng Magulang, mag- click dito.

Pag-login sa Survey